Friday, January 07, 2005

Paw-etry

...at least we know what's REALLY going on.


Kasi Naman
-=icewulf=-

Kasi naman ang daming nakikidawdaw.
Kasi naman di naman alam ang nasasaklaw.
Kasi naman di na diretsohin.
Kasi naman hindi baga kausapin.
Kasi naman di alam ang nangyayari.
Kasi naman ang daming "nagmamayari."

Kasi naman hayaan na lang.
Kasi naman di pagbigyan, pagkatiwalaan.
Kasi naman di alam ang tunay na kalagayan.
kasi naman di alam ang tunay na kaganapan.
Kasi naman nakikiusap na.
Kasi naman ngayon lang, pagbigyan na.

Kasi naman nahulog ang loob.
Kasi naman nagbago nang totoo.
Kasi naman tunay na nagmamahal.
Kasi naman tunay na pinagtambal.