Wednesday, November 30, 2005

lumabas mula sa bughaw

...ala lang...zzzzzzz.




Unang Sugat
lyrics by: Rey
music by: (tbd)


Tanda ko pa noon
Ikaw ang una kong pag-ibig
Mga salitang kay tamis
Sariwa sa iyong bibig.

Mga pangakong kailan man
Pagiibigan ay di mabubuwag.
Paglalambing na ubod ng tamis
Magkayakap magdamag.

Ngunit di rin nagtagal
Ako'y iyong pinagtaksilan.
Puso'y ibinasura
Ipinagpalit na sa iba.

Unang sugat sa puso
Hatid ng pagtalikod sa pangako
Unang sugat sa puso
Dala ng pag-ibig na bigo
Unang sugat ng puso
Magpakailanma'y magdurugo.

Tumakas sa karimlan ng mundo
Nagisip pinagnilayan ng husto.
Ganito ba talaga ang buhay
May madidilim na kulay?

Pinatibay ang loob
At nagbalik sa liwanag.
Nabuhay muli at ngumiti
Ngunit di na maibabalik ang dati.

Unang sugat sa puso
Hatid ng pagtalikod sa pangako
Unang sugat sa puso
Dala ng pag-ibig na bigo
Unang sugat ng puso
Magpakailanma'y magdurugo.

Di nagtagal at natutong umibig muli
Huminga ng malalim at nagbakasakali
Muling lumiwanag ang mundo pusoy nabuhay
Nangarap na sa nga ito na ang pinakahihintay

Ngunit sa gitna ng puso'y meron pa rin umaagos
Mula sa isang sugat, dugong hindi maubos

Unang sugat sa puso
Hatid ng pagtalikod sa pangako
Unang sugat sa puso
Dala ng pag-ibig na bigo
Unang sugat ng puso
Magpakailanma'y magdurugo. (2x)

Unang sugat ng puso
Dahil sayo'y nagdurugo.