Pinamatnugutan na salin
Credit Cards at Pag-ibig
(Bahagi ng aking puna sa kuro-kuro ni jobarclix)
-=icewulf=-
Credit cards? Buwisit yan parekoy. Kahit dito sa 'Tate mahirap mag-apply sa mga matitinong kumpanya na nagbebenta ng ganyang serbisyo. Ngunit minsan may mga kumpanya rin kung saan napakadali mag-apply ng credit card, kaya lang pagdating ng credit card mo may bill na itong kasama at halos $175.00 na agad ang sinisingil. Bakit? Annual fee, monthly fee, sign up fee, insurance fee, at kung anu-ano pang eklatush. Di ka pa umuutang sa credit card mo may utang ka na...ang gulo.
Dun naman sa mga matitino nga na credit cards, pahirapan naman bago ka nila aprubahan. Tulad din diyan, kelangan may mga bills ka na maipe-presenta, may credit history ka dapat na maayos at matino. Tanong, "Paano ba magkaroon ng maayos na credit history?" Sagot, "Kelangan mo ng bills, mga on time payments sa loans, credit cards, etcetera." Ayun. Umikot nanaman ang usapan. Yun na nga ang ginagawa mo eh! Ika nga ng isa kong kaibigan, "Fuck the heck?"
Pag-ibig kamo pare? Oo, parang credit card yan. Tingan mo ha, mahirap apply-an, mahirap i-maintain, mahirap bayaran, nakakalunod sa utang, mataas ang interest, ang bilis maningil, pero enjoy gamitin, masarap ipagmalaki, pang-build up ng credit rating!
At kung madali makuha ang pag-ibig eh napakaposible na may "catch" din ito tulad ng mag credit card na madaling apply-an. Mataas ang interest, ginagamit ka lang, inuubos lang ang pera mo, nilulunod ka lang sa utang, pinaaasa ka lang na magiging maayos ang lahat kasi may "credit card" ka na.
O, diba? Credit card at pag-ibig magkahawig talaga!